Truyen30h.Net

ANG HULING DALAWANG ARAW

HULING DALAWANG ARAW

MafiaPrincess4


"I'm sorry Valentina, but you only have two days left. I'm ve-"

"Don't be sorry, you did your very best para gumaling ako pero oras ko na talaga" natatawang sabi ko

"Where are your parents? Kailangan ko silang makausap tungkol dito" tanong sa akin ni Dr. Cruz

"They didn't know na pumunta ako dito mag-isa. Ang alam nila ay pupunta lang ako sa bahay ng classmate ko" wika ko

"What!?! I must call them baka mamaya hinahanap ka na nila" inagaw ko agad ang phone nya bago pa niya matawagan ang magulang ko.

"Please Dr. Cruz, huwag mo munang sabihin sa kanila. Gusto ko na ako mismo ang mag-sasabi sa kanilang dalawa, please po wag nyo munang ipaalam please" hindi ko na mapigilan ang pag-iyak ko. Naramdaman kong niyakap ako ni Dr. Cruz.

"Sige but you have to promise me na sasabihin mo din sa kanila ang tungkol dito, Ok?" Tumango na lang ako bilang pag-sagot sakanya. Ilang oras din bago ako mapatahan ni Dr. Cruz. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, nabasag lang ito ng biglang mag-salita siya.

"Alam mo ba na ikaw lang sa mga pasyente ko ang hindi mo aakalain na may sakit" paninimula niya

"Noong una kitang nakita, wala naman akong nakita na kahit anong bahid ng nararamdaman na sakit sa mukha mo. Palagi ka pa ngang nakangiti at sobrang sigla mo, nagulat na lang ako ng sabihin sa akin ng magulang mo na may sakit ka pala sa puso"

"Hindi ako naniwala noong una but when I check your heart, I cannot believe that ang nakuha mong sakit ay one of the rare diseases. Nalungkot ako noong una dahil konting oras na lang ang itatagal mo pamula noong malaman natin ang sakit mo but thank God na hanggang ngayon kasama ka pa rin namin" nanginginig na yung boses niya habang nag-kwekwento

"Pero ngayon kukunin ka na niya, ano ba yan napuwing ata ako" sabi niya habang kinukusot ang mga mata niya. Umiiyak na siya, hindi ko din mapagilan na umiyak.

Lumapit siya sa akin upang yakapin muli ako. Niyakap ko din siya pabalik, isa siya sa mga taong nag-bigay sa akin ng lakas upang kalabanin ko ang sakit na nararamdaman ko. Naramdaman kong hinalikan niya bunbunan ng ulo ko.

"Be strong Valentina" wika niya at binigyan ako ng lollipop na paborito ko. Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti upang ipahiwatig sa kanya na kaya ko ito.

.

.

.

.

.

.

Nag-lalakad ako ngayon papunta sa simbahan, kokonti lang ang tao ngayon dahil weekdays. Lumuhod ako at nag-simulang mag-dasal.

"Lord thank you dahil pinatagal nyo pa ako dito sa mundo ng kahit konting oras. Sorry po kung ngayon lang ulit ako nakapunta dito sa simbahan. Nakakahiya man pong humiling pero Lord pag-nawala po ako, wag ninyo pong papabayaan ang pamilya at mga mahal ko po sa buhay. Salamat po dahil nandiyan po kayo sa mga oras na kailangan ko kayo, hindi nyo po ako pinabayaan na kaharapin ko ang mga problema ko mag-isa. Lord thank you po dahil binigyan nyo ako ng mababait at mapag-mahal na magulang. Lord gusto ko din pong mag-pasalamat na nakatagpo po ako ng tunay na mga kaibigan. Sorry po kung nag-sinungaling ako sa kanila na wala akong sakit, ayoko lang po kasing mag-alala sila para sa akin. Lord bakit hindi nyo na lang po ako patagalin pa dito? Miss nyo na ba po ako kaya kinukuha nyo na po ako? Miss ko din po kayo pero Lord ayoko pa, ayoko pa pong mamatay. Natatakot ako, sobrang natatakot po ako kaya Lord please naman po pahabain nyo pa po buhay please po Lord. Lord tulungan nyo po akong tanggapin na oras ko na po talaga dahil hindi ko po kayang mag-isang kaharapin ito. Lord sana maging masaya ang huling dalawang araw ko dito sa mundo, yun po ang aking huling kahilingan sa inyo"

Naramdaman ko ang pamamasa ng mga pisngi ko dahil sa mga luha na bumubuhos pababa mula sa aking mga mata. Nag-tagal muna ako sa simbahan ng konting oras bago ko mapag-desisyunan na umalis na. Pag-kalabas ko sa simbahan bigla na lang umihip ng malakas ang hangin. Inaayos ko ang aking buhok ng maramdaman ko na may dumampi sa aking paa. Dinampot ko iyon, Prutas? Hinanap ko kung sinong may ari niyon at nakita ko ang isang matandang nahihirapan kunin ang mga natapon niyang prutas. Tiningnan ko ang prutas na hawak-hawak ko, siguro sa kaniya to.

Lumapit ako sa matanda at tinulungan siyang kunin ang mga nahulog na prutas. Nakita kong nabutas ang gamit-gamit niyang bag, naalala ko na may dala-dala akong echo bag. Ibinigay ko iyon sa kanya at inilagay namin doon ang mga prutas niya.

"Maraming salamat iha" nakangiting wika sa akin ni lola.

"Walang anuman po" magalang kong pag-sagot.

"Napakabait mong bata gusto sana kitang bigyan ng pabuya ngunit nakakahiya naman kung ibibigay ko sa iyo ang mga nahulog kong prutas" ani ni lola

"Naku wag na po kayong mag-abala, simpleng pag-tulong lang naman po ang ginawa ko"

"Kahit na iha, gusto ko pa ring mag-pasalamat sayo dahil ikaw lang sa mga tao na narito ang tumulong sa akin. Tanggapin mo na lang ito, pasensya na kung iyan lang ang ibibigay ko sayo kapalit ng kabutihan na ginawa mo sa akin" Inabot niya sa akin ang dalawang lollipop, nakangiti ko itong tinanggap.

"Maraming salamat po lola" pag-papasalamat ko

"Lola mauuna na po ako, mag-iingat po kayo" pag-papaalam ko kay lola. Tumalikod na ako upang umalis, nag-simula na akong mag-lakad papalayo habang binabalatan ang lollipop na bigay sa akin ni lola. Lumingon muli ako upang mag-paalam pero, wala na siya. Weird

.

.

.

.

.

.

Pag-kauwi ko sa bahay sinalubong ako ng aking kapatid. Agad ko siyang binuhat at hinalikan sa pisngi ginawaran naman niya ako ng isang mahigpit na yakap.

" Tino, Where is mom and dad??" tanong ko sa kapatid ko. Tinuro naman niya ang loob ng bahay namin. Pagpasok naming sa bahay, nag-pababa na ang kapatid ko.

"Mom!! Dad!! Ate's here" sigaw ng kapatid ko habang tumatakbo sa kinaroroonan ng magulang namin, napatawa na lang ako sa kakulitan niya. Pag-balik niya ay kasama na niya sina mom and dad. Agad naman akong lumapit sa kanila at nag-mano.

"You're back, kamusta ang pag-bisita mo sa kaklase mo?" tanong ni mom

"Ok lang naman po, nag-kwentuhan lang po kami" pag-sisinungaling ko

"Parang ang tamlay mo ngayon anak ah, masama ba ang pakiramdam mo?" lumapit sa akin si Dad at tiningnan ang temperature ko.

"Wala ka naming lagnat"

"Ok lang po ako, napagod lang po siguro ako" sabi ko sa kanila

"Ganun ba? Sige, pumunta ka na sa kwarto mo at mag-pahinga, may pasok ka pa bukas" utos sa akin ni Mom. Kahit may sakit ako, hindi pa rin ako tumigil sa pag-aaral, highschool pa lang ako.

"Ok po mommy" lumapit ako sakanila at humalik sa pisngi bago umakyat

Nasa kalagitnaan ako ng hagdan ng maalala ko bigla yung pag-uusap namin ni Dr. Cruz kanina, sasabihin ko ba???

"Mom, Dad" pag-tawag ko sa kanila

"Bakit anak?" tanong nila sa akin. Sasabihin ko na ba talaga?

...

...

...

...

"I Love you po" nakangiting sabi ko

" We love you too anak" nakangiting wika din nila

Sorry Mommy Daddy hindi ko pa po kayang sabihin sa inyo. Dumeretso ako sa kwarto ko at pabagsak na humiga sa kama. Tumingala ako sa kisame habang pinapakiramdaman ang puso ko. Sana hindi na lang ako nagkasakit sa puso, sana.......






"Shit! Late na ako" kumaripas ako ng takbo matapos kong marinig ang tunog ng bell. Hawak-hawak ko ang aking dibdib ng makapasok na ako sa room, dali-dali akong umupo sa aking silya bago pa man dumating si Mam.

"Muntikan ka na Valentina, buti na lang late ngayon si Mam kundi ma---" hinid na natapos ni Gino ang sasabihin nya dahil agad akong humingi ng tubig kasi di ko na talaga kaya ang pagkahingal ko.

"G-Gino tu-tubig!!!" hinihingal na sabi ko sa kanya, agad nya naman akong binigyan ng tubig. Wala pang isang Segundo ng maubos koi yon, ibinalik ko sa kanya ang boteng walang laman.

"Ayos ka lang ba? Bakit ba kasi tumakbo ka pa, san gumising ka na lang ng maaga para di ka nalate eh tsk tsk"

"Wala to Gin-Gin, Okay lang ako. Salamat" nakangiti kong wika sa kanya. Ngumiti naman siya pabalik, umayos na kami ng upo nang dumating si Mam sa classroom.

"Good morning class tomorrow will be your last day. That's why kailangan nyo ng makumpleto ang mga kulang nyo sa ibang subject para ma-pirmahan na ang clearance nyo. Remember class that you will be graduating, kaya ayusin nyo na. You can do whatever you want as long as tapos na ang mga kailangan ninyong gawin. Kung may tanong ma kayo nasa may faculty lang ako" sabi ni mam sa amin at tuluyan na siyang umalis sa room namin. Naalala ko bigla na gra-graduate na pala ako. Nalungkot na lang ako, sayang di ko maabutan ang graduation namin.

Nabalik ako sa katinuan ng humarap sa akin si Gino at ngumisi. Sa ngisi pa lang niya alam ko na kung anong ibig sabihin nya.

"Huwag mo ng ipamukha sa akin na tapos ka na sa lahat at ako'y hindi pa" nakasimangot kong wika sa kanya. Bigla na lang may pumasok sa isip ko na ideya kaya tiningnan ko si Gino ng nakangiti. Nagbago ang kanyang reaksyon ng Makita nya ang ngiti ko.

"Kung ano man yang nasa isip mo hindi ko yan gagawin, Valentina may gagawin din ako" Umiiling na sabi niya sa akin

"Gino naman dali na samahan mo na ako, mag-lalaro ka lang naman ng basketball kasama yang mga pwends mong lalake" sabi ko habang hinihila-hila siya. Hindi pa rin siya pumapayag kaya ginawa ko yung famous puppy eyes ko with matching pout pa. Tumingin siya sa akin then umiwas rin.








"Bait-bait mo talaga Gin-gin!!!" masiglang sabi ko sakanya habang yakap-yakap siya habang nag-lalakad.

"Syempre, saan ka ba makakita ng gwapo at mabait na kaibigan? Nag-iisa lang ito sa mundo" sabi niya habang nakaturo sa kaniyang sarili. Bumitaw ako sa kanya at itinulak siya ng malakas, muntikan na nga siyang matumba kung hindi siya humawak sa may pader. Tumawa ako ng sobrang lakas dahil doon, natigilan lang ako ng biglang kumirot ang dibdib ko. Napansin ni Gino ang pag-tigil ko ng pag-tawa.

"Ayos ka lang?" tanong niya sa akin. Tumango ko at ngumiti sa kaniya na para bang walang nangyari.

Nang makarating kami sa favorite place namin sa school, agad kaming umupo at namahinga. Humiga ako sa hita niya at pumikit.

"Gin-gin, paano kung isang araw nawala na lang ako bigla?? Hahanapin mo ba ako?" wala sa sariling tanong ko

"Saan ka pupunta??" tanong niya sa akin, binatukan ko naman siya

"Tuleg, paano nga diba, paano" sabi ko sakanya

"Kung mawawala ka? Syempre hahanapin kita" sagot niya sa akin

"Eh, paano kung yung pupuntahan ko ay bawal ka doon?" tanong ko ulit

"Saan ka ba talaga pupunta?" tanong niya pabalik

" Sa langit " mabilis na sagot ko, naramdaman kong natigilan siya sa sagot ko

" HAHAHAHAHAHAHAHAH joke lang, seryoso mo naman" pag-bawi ko sa sagot ko

"Kala ko naman totoo na, kinabahan ako doon ha" wika niya. Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Pumikit ako ng maramdaman ko ang pag-ihip ng hangin, bukas na ang huli kong araw, bukas na din ako mawawala.

"Salamat talaga Gino sa pag-tulong mo sa akin kanina sa clearance ko" pag-sasalamat ko kay Gino habang nag-lalakad kami papalabas ng school.

"Hoy, for your information Valentina hindi libreng pag-tulong yun ha, Li-libre mo ako bukas ng recess, lunch at dinner" nakangisi niyang wika sa akin. Napangiwi na lang ako dahil mauubos ata ang pera ko sa kanya

"Oo na po master" walang sa loob na wika ko

"Oh" inabot niya sa akin dalawang lollipop, agad ko naman iyon tinanggap. Mag-papasalamat na sana ako ng maramdaman ko ang pag-sakit ng dibdib ko, nabitawan ko ang lollipop na ibinigay sa akin ni Gino, ang puso ko. Bukas niyo pa ako kukunin diba please wag muna ngayon, pakiusap ko sa isip ko.

"Tin-tin!! Anong nangyayari sayo?!?!?" nag-alalang tanong sa akin ni Gino, hindi naman ako makasagot sa kanya dahil nahihirapan akong huminga

"AWW!!!! Aray!!!" sigaw ko dahilan upang mag-kagulo ang mga taong nasa paligid namin.

"Tumawag na kayo ng ambulansya!!!!"

"Dalian nyo"

"Hello, please pumunta agad kayo dito-"

"Valentina kumapit ka lang sa akin, wag kang bibitaw"

Gusto kong sabihin sakanya na ok lang ako pero wala na akong lakas para makapag-salita pa. Dumating ang ambulansya at maingat nila akong binuhat para makahiga ako sa stretcher. Sumama si Gino, habang nasa daan kami papuntang ospital, hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Hindi ko na mapakinggan ang mga sinasabi niya. Ng makarating kami sa ospital ay dali-dali nila akong ibinaba. Inilipat nila ako sa kama at pinaltan ang damit ko. Nakita kong pinapalabas nila si Gino ngunit nag-pupumilit siyang pumasok. Conscious pa rin ako hanggang ngayon pero ramdam na ramdam ang pananakit ng dibdib ko. Inasikaso nila ako, tiningnan nila ang vitals ko, ang tibok ng puso ko at kung ano-ano pa man. Hinawakan ko ang dibdib ko, ang bilis ng tibok nitong puso ko. Napangiti na lang ako, katapusan ko na talaga then everything went black.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Valentina" pagtawag niya sa akin

"Bakit po?" tanong ko

"Handa ka na bang sumama sa akin?"natigilan ako sa tanong niya. Handa na ba ako? Maski sarili ko hindi ko alam kung handa na ako. Pag-sumama ako sakanya iiyak sina mommy, daddy, tino at gino, mga mahal ko sa buhay

"uhmmmm..." ngumiti siya sa akin. Nakaramdam ako ng kaginhawaan ng Makita ang ngiti niya

"Ang araw na ito ang regalo ko sa iyo" wika niya sa akin. Naguluhan ako sa nais niyang sabihin. Unti-unti na siyang nawawala.

"Wait!!!!" sigaw ko

"Maligayang araw Valentina" huling sambit niya sa akin









Iminulat ko ang aking mga mata ng maramdaman kong may yumakap sa akin, si Tino.

"T-tino" pagtawag ko sa kanya

"Ate!! Mom, Dad gising na si ate!!!" sigaw ng nakakabata kong kapatid. Bumukas ang pinto at iniluwa si Mommy, daddy at si Dr. Cruz.

"Thank God nagising ka na Tina!!!" umiiyak na wika ng aking ina habang nakayakap sa akin.

"Hon, wag ka ng umiyak makakasama iyan sa baby natin" pag-aalala ni dad kay mommy. Wait what!!!

"BABY!!!!" napaupo ako bigla, napahawak ako sa dibdib ko dahil bigla itong kumirot.

"ok ka lang??" tanong ni Dr. Cruz

"Ok lang po ako" sagot ko

" Kailan pa nag-karoon ng baby si mom?" pag-iiba ko ng usapan

"One week na siyang buntis pero kahapon lang naming nalaman" sabi ni dad

"O my ghad!! Mag kakaroon na ako ng baby sister" excited na sabi ko

"It's going to be a baby boy, Ate" biglang singit ng kapatid ko

"Girl"

"Boy"

"The two of you stop, hindi pa natin malalaman ang gender ng kapatid ninyo kasi one week pa lang siyang nasa tiyan ko" wika ni mom

"Sana kambal na lang para one girl, one boy" sabi ko

"Tatawagin ko muna ang doctor na umasikaso sayo" wika ni Dr. Cruz

Nag-kwentuhan lang kami tungkol sa mga nangyayari. Tinawagan pa la sila ni Gino kagabi. Umalis din daw ito noong nalaman niyang nasa magandang kalagayan na ako. Babalik daw ito mamaya para bantayan ako pero hindi pa niya alam na gising na ako.Dumating si Dr. Cruz kasama ang isa pang doctor na mayroon ding kasamang nurse. Chineck nila ako, sinagot ko lahat ng mga tanong nila sa akin. Pagkatapos nun, lumabas sila kasama ang mga magulang ko. Naiwan kaming dalawa ni Tino dito sa loob. Bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Gino. Dali-dali siayng lumapit sa akin at niyakap ako, niyakap ko naman siya pabalik.

"Yiiiieeeee si ate Tina at kuya gino" pang-aasar ng kapatid ko. Napabitaw naman kami sa isa't isa. Umiwas ako ng tingin dahil sa tingin ko umakyat lahat ng dugo ko papunta sa mukha ko.

"Kamusta ka na?" tanong niya sa akin

"Ayos na naman ako" nakangiting sagot ko sa kaniya

"Bestfiend mo ako tapos hindi mo man lang sinabi sa akin na may sakit ka sa puso" malungkot niyang sabi sa akin.

"Sorry" mahinang sabi ko

"Bakit?"

"Ayokong mag-alala ka sakin, ayokong layuan mo ako" mahinang sabi ko pero tama na iyon para marinig niya

"Hindi kita lalayuan kahit may sakit ka man, kahit panget ka pa bestfriend pa din kita"

"Natuwa na ako ng sinabi mong hindi mo ako lalayuan pero nag-dagdag ka pa ng panget!!!" inis kong sabi sa kaniya

"Bakit maganda ka ba?"

"Oo kaya nga maraming may crush sa akin sa campus" pag mamayabang ko

"Binayaran mo lang sila" pang-aasar niya

"GRRRHHHHH!!!!!" inis na sigaw ko

"Hey, wag kang masyadong mainis masama yan sayo" nag-alala niyang sabi sa akin. Kinalma ko muna ang sarili ko.

"Ikaw kasi" naka-pout kong sabi at hindi siya pinansin

"Sorry na" lambing niya sa akin pero di ko pa rin siya pinansin.

"Oh" nag-ningning ang mga mata ko ng Makita ko ang hawak nya.

"Lollipop!!!" masiglang sabi ko at agad na kinuha ng ito

"Para kang bata" natatawa niyang sabi habang nakatingin sa akin

"Hindi lang yan" inilabas niya ang isang jar ng lollipop mula sa bag niya

"Happy Birthday Tin-tin" bati niya sa akin

Happy Birthday Tin-tin, I almost forgot na birthday ko ngayon. Nakakalungkot lang isipin na matapos ang araw na ito, matatapos na rin ang buhay ko. I wish na huminto muna ang oras kahit ngayon lang. Gino snapped his finger, which made me go back to reality.

"Hindi mo ba nagustuhan ang regalo ko?" tanong niya, inagaw ko naman sakanya iyon at niyakap

"Hindi noh, I love it" sabi ko habang yakap-yakap ang jar na ibinigay niya sa akin.

Nag-uusap kaming dalawa ng biglang pumasok si mom at dad. Malungkot ang kanilang mga mukha. Lumapit sila sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Mom, Dad ano pong sinabi ng doctor?" tanong ko sa kanila

"Ok ka na anak, kailangan mo lang mag-stay dito sa ospital ng ilang araw para lalo ka pang gumaling" wika ni mom pero alam kong nag-sisinungaling sila sa akin.

"Talaga po!!" pinilit kong itago ang lungkot ko para sa kanila

"Oo anak, kaya aalis na muna kami ng mommy mo para kumuha ng gamit sa bahay. Si Gino muna at si Valentino ang mag-babantay sayo, kung may kailangan man kayo tumawag lang kayo sa amin ok?" sabi ni dad

"Opo" sagot ko. Nang umalis sila, nakaramdam ako ng antok.

"Hey Gin-gin, tutulog na muna ako" sabi ko habang kinkusot ang mata ko

Inalalayan nya ako sa pag-higa. Hinaplos-haplos niya ang aking buhok dahilan para lalo akong antukin. Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata.

"Sweetdreams Tin-tin"

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.


"Wag kayong maingay baka magising sya"

"Si kuya gino kasi mommy eh, ayaw po niya ako bigyan ng ice cream"

"Mamaya na kasi pag nagising ang ate mo Tino"

Nagising ako dahil sa ingay nila, marahan kong iminulat ang aking mata. Nakita kong pinapagalitan ni mommy si Tino. Si daddy naman ay sinasabit ang mga palamuti sa ceiling.

"Anong ginagawa nyo??" wika dahilan upang mag-tinginan sila sa akin. Nag-kagulo sila matapos nilang malaman na gising na ako. May tumakip ng mata ko

"Heyyyy ano ba!!!, wala akong Makita" inis na sabi ko habang tinatanggal ang kamay nito.

"Alangan takip ko ang mata mo kaya wala kang makikita" sarcastic na sabi niya sa akin.

"UGHHHH!! Gino tagtagin mo na nga ang kamay mo" inis kong sabi

"Ok Ok in the count of three.... ONE.... TWO...... THREE" wika niya at tinanggal ang kamay niya mula sa mata ko. Hinintay ko munang masanay ang mata ko sa liwanag, bumungad sa harap ko sina mommy na may hawak-hawak na cake, party poppers, at turutot. Pinasabog ni gino at dad ang mga party poppers, nag-simula silang kumanta ng happy birthday to you. Napangiti ako dahil sa effort nila.

"Happy Birthday To you..... Happy Birthday To you..... Happy Birthday,Valentina ... Happy.... Birthday... To you....." pag-kanta nila habang papalapit sakin. Inilapit nila sa akin ang cake

"Make a wish" nakangiting wika nila. Ipinikit ko ang aking mga mata.

I wish na sana tumigil ang oras kahit ngayon lang. Hinipan ko ang kandila, pagkatapos ay niyakap nila ako.

"I love you" mahinang wika ko

"We love you too" sabay nilang sabi. Napaluha na lang ako sa saya at lungkot. Ito na ang huling araw na makakasama ko kayo, Sorry Mommy, daddy, tino at gino.

"Kainan na!!" sigaw ko. Binigay nila sa akin ang plato na may laman ng mga paborito kong pagkain. Agad kong linantakan ang pagkain na nasa harapan ko.

"Ano pong oras na??" tanong ko sa kanila, matapos kong lunukin ang kinakain ko

" 10pm na anak" sagot ni mommy. DALAWANG oras na lang at tapos na ang araw na ito. I-eenjoy ko na ang huling oras ng buhay ko. Habang kumakain kami ay hindi mawawala ang kwentuhan. Maya-maya ay nilabas ni daddy ang ice cream.

"ICE CREAM!!!" sabay naming sigaw ni Tino. Binigyan naman kami ni Daddy ng ice cream. Lumapit sa akin si Tino

"Ate sayo oh" binigay sa akin ni Tino ang hawak-hawak niyang teddy bear na may hawak na lollipop. Nakangiti ko naman iyong tinanggap at niyakap siya.

"Thank you baby brother" ani ko sakanya.

"Your welcome ate" sagot naman niya sa akin. Maraming salamat Tino, napasaya mo ako sa ibinigay mo. Gusto ko sanang sabihin sakanya yun pero hindi ko kaya, sa tingin ko maiiyak lang ako pag-sinabi koi yon sa kaniya. Tiningnan ko ang orasan 10:30 na, isa't kalahating oras na lang.

"Mom.....Dad...."

"What is it dear?" ani ni Mom

Eto na to...

"Mom, Dad you are one of the person na dahilan para lumaban ako sa sakit ko. You have been always there for me pag may mga check-ups, operations ako, hindi kayo nawawala. Thank you for giving me strength pag nang-hihina ako dahil sa sakit ko" sabi ko sa kanila habang hawak-hawak ang kanilang kamay.

"Sorry po kung paminsan sobrang pasaway ko sa inyo. Tanda nyo pa po ba yung tumakas ako sa inyo dahil ayoko uminom nung gamot. Sobrang nag-alala po kayo sa akin nun kaya naka-tanggap ako ng palo sa inyo" natatawang kwento ko , tumingin ako sa kanila. Nakita kong nangingilid ang luha ni mommy habang nakatingin sa akin.

"Mom, Dad I promise you na lalaban ako, so that I could stay longer with you. I want to have more fun and good memories with you and to my upcoming little brother/sister. I know na alam nyo na mahal ko kayo but hindi pa rin ako mag-sasawa na ulit-ulitin na sabihin sa inyo na............. I love you Mom and Dad." Tuluyan ng bumagsak ang luha ko. Niyakap nila ako, sobrang higpit na parang ayaw na nila akong pakawalan sa bisig nila.

"Mahal na mahal ka rin namin anak. Always remember na nandito lang kami para sayo" umiiyak na wika ni mommy. Ibinaling ko naman ang tingin ko sa aking nakakabatang kapatid.

"Tino, you will now become a big brother, promise me na sasamahan mo ako sa pag-protekta sa ating nakakabatang kapatid" sabi ko kay Tino

"I promise ate basta you promise me na you will stay here by our side" sabi niya habang nakalabas ang pinky finger nya. Nakangiti ko naming nilabas ang pinky finger ko at nakipag-pinky finger promise ako sa kaniya.

Hindi ko alam kung paano ko kakaharapin si Gino dahil sa mga kasalanan ko na nagawa sa kaniya, katulad ng hindi pag-sabi sa kaniya tungkol sa sakit ko. Unti-unti akong bumaling kay Gino, nagtitigan kami ng ilang segundo. Walang ni isa ang gustong mag-salita.

"Gino, ikaw ang naging bestfriend ko since grade one. Pamula nun hindi na tayo nag-hiwalay hanggang maging highschool tayo. We tell each other's our secret pero I didn't tell you about sa sakit ko. We protect each other, tanda mo ba noong may nag bully sayo. I punch that kid right on the face, knock out nga eh" natatawang kwento ko sa kaniya. Kinuha ko ang kaniyang kamay at nilaro-laro ito.

"We love each other as brother and sister, but can we love each other more than that? It sounds weird dahil ako pa ang mag-sasabi sayo nito but.." huminga ako ng malalim at tinitigan siya sa mata.

"Gillian Noah Encarnacion, I have love you since I met you. It start having a little crush on you but it get really worse, na-inlove na ako sayo without even noticing. I didn't tell you that because I don't want to ruin our friendship and I know to myself that someday im going to leave you behind. Well, isama na din natin na wala akong lakas ng loob para sabihin sayo"

"I just want you to know how much I love you, not as a brother but as a guy. I love you Gin-Gin and can you be my boyfriend?" I said looking him straight to the eyes. Nag-hintay ako kung anong sasabihin niya matapos ko iyon sabihin pero wala.

"Wala kang sasabihin?" tanong ko. Tumayo sina mommy at daddy kasama si tino at sila'y lumabas. Hanggang ngayon itong kasama ko hindi pa rin nag-sasalita. I snapped

"Ha? Ano?" ano ba yan kanina pa ako nag-sasalita dito tapos di pa la siya nakikinig.

"Wala, kalimutan mo na lang ang sinabi ko" wika ko at humiga sa kama, nag-taklob ako ng kumot sa kahihiyan. Naramdaman kong may yumakap sa akin, unti-unti kong tinagtag ang kumot sa mukha ko. Bumungad sa akin si Gino, binaon niya ang kaniyang mukha sa tiyan ko.

"Hindi ako makapaniwala sa sinabi mo" wika niya

"Hindi ko alam kong paano kita sasagutin" dugtong pa niya

"Its sounds gay na ikaw pa ang nag-yaya sa akin maging boyfriend mo" natatawa ika nya

"Valentina Mendoza, ikaw ang unang babaeng nag-patibok sa pusong ito. Kagaya mo unang beses pa lang kitang makilala ay nainlove na ako sayo pero hindi ko din masabi iyon sayo dahil natatakot din akong mawala ang friendship natin. But when you suddenly confessed to me I think I want to jump in a cliff because of the great joy that you have given to me. This sounds so cheesy but Valentina, my princess I love you to the galaxy and back so im going to ask you if you can accept this crazy jerk to be your boyfriend?" napatawa na lang ako sa sinabi niya. WTF!! Galaxy and back?! Anong klaseng nilalang ba ito saan nya ba pinagkukukuha ang mga salitang iyon?

"Heyyyy!!! Wag mo naman akong pag-tawanan" inis na sabi niya

"The F Gino!! To the galaxy and back saan mo napulot yun" natatawang ani ko

"That's what you call originality baby" sabi niya sabay kindat, pwede na bang kiligin??

"Whateves" I said and rolled my eyes on him

"So what's your answer?" tanong nya

"Well hindi pa ba halata na, Yes you idiot!!" sabi ko, sa tingin ko sobrang pula ko na ngayon. Hinawakan niya ang mukha ko at inilapt niya ang kanyang labi sa akin. When our lips press each other, I couldn't think anymore parang hinigop niya ang lakas ko sa simpleng halik na yun. Nang mag-hiwalay ang aming mukha isa lang ang lumabas sa bibig ko nang biglang mahagip ng mga mata ko ang pagkatumba mula sa pagkakasilip sa pinto ni mommy, hayst si mommy talaga oh kahit kailan.

"You stole my first kiss, you jerk"

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

11:30, 30 minutes left

Pamula ng mag-kaaminan kanina, Gino hold my hand na para bang ayaw na niyang bitawan iyon. He is so cliché but I love him because of that. Its sad dahil maya-maya na lang kukuhanin na ako ni papa god. At least I enjoy my life kahit sa huling hininga ko. Nakausap na din namin sina mommy kanina at pumayag sila sa relasyon namin ni Gino. I'm so happy today, I've never felt this kind of happiness before yung para bang wala akong prinoproblema. Sa oras na 'to nawala sa isip ko na mamatay na ako.

"Tin-tin pagod ka na ba" he said while playing with my fingers. Sina mom at dad ay inaayos na ang pinagkalatan namin kanina. Tino is sleeping, napagod kakakain.

I look at the clock in the wall 11:50, 10 minutes left. Sobrang bilis talaga ng oras parang kahapon lang namin nalaman na may sakit ako tapos ngayon mamamatay na ako, its so funny na gusto ko na lang maiyak.

"Yes, antok na nga ako eh" I said with a sleepy tone. Dahan-dahan niya ako inihiga sa kama. Lumapit sa akin si mommy at daddy at humalik sa noo ko.

"Goodnight sweetie have a sweet dream" sabi ni mom na nangingilid ang luha

"Goodnight princess" sabi sa akin ni Daddy habang hinahaplos ang buhok ko, nilingon ko ang orasan sa likod niya

11:55... 5 minutes left

Lumapit sa akin si Gino at hinalikan din ang noo ko. Ngumiti siya sa akin yung ngiting nakakagaan ng loob, nakakawala ng problema. Ngumiti din ako pabalik sa kaniya, ito ang pinakamatamis na ngiti ko sa kaniya. Bumaling naman ako sa aking mga magulang at nginitian din sila. Nakita kong tumulo ang luha ni mommy. Sinulyapan ko pauma si Tino bago ako humiga Tino tutulog na si ate ha, pakabait ka mamimiss kita...sobra, I Love You. Matapos kong sabihin sa isip ko yun ay umayos na ako sa pagkakahiga. 2 minutes left

"I love you mommy, daddy, tino at gin-gin. Goodnight po" sabi ko sa kanila. Kinumutan ako ng ayos ni Gino matapos iyon ay hinaplos-haplos niya ang buhok ko. I always like that.

"Sleep well Tin-tin" he said and after that I gently close my eyes, before I could fall asleep naramdaman ko munang may tumulo na luha sa kamay ko.

.

.

.

.

.

.

.

"Hi Valentina"he greeted me

"Kanina pa ba po kayong nandyan??" I ask

"Oo, hinihintay kasi kita" he said. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya

"Thank you for you birthday gift to me" pag-papasalamat ko

"Your welcome my little angel" He said. Nag-simula na kaming mag-lakad papunta sa liwanag

"May sasabihin ako sayo" wika niya

"Ano po iyon??" tanong ko

"Ang pangalan mo ay hinango sa salitang lakas o strong. That's why you have conquer the challenges that I had given to you because you are strong just like your name" he said

Valentina means strong, napangiti na lang ako dahil sa ibig sabihin ng pangalan ko

"Handa ka na ba?" tanong niya.

Even though wala na ako sa tabi ng mga magulang ko, I will protect them. They know that im going to die now but they pretended that im gonna live longer, they're such a good pretender just like me. They have to move on kahit wala na ako, gusto kong ituloy pa rin nila ang buhay nila. I don't want to see them crying but I'm the cause of their tears. I love them, alam nila yun and they love me too. They love me that's why they need to let go of me. As for Gino, masakit man sabihin pero alam kung makakakita din siya na babaeng na para sakanya. I still love him very much, pero talagang hindi kami para sa isa't-isa. I will still love him kahit nasa kabilang buhay na ako. I think nakapag-paalam na naman ako sa kanila ng maayos. Im ready, I totally am. Humarap ako sakanya at ngumiti.

"I'm ready"

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.


"Valentina Mendoza, time of death: 12:00 am" 


.....

First ever one shot story ko, hope you enjoyed reading. Wala akong nilagay na portrayer nina Gino and Valentina, paganahin nyo na lang ang imagination nyo kung anong itsura nila

Follow me on twitter (nakalagay sa may bio ko)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen30h.Net